Lunes, Hulyo 20, 2015

Lugaw Station

Ang lugaw (Ingles: porridge, rice congee, gruel) ay uri ng lutuing may sabaw, nilutong bigas, at sahog. Sa Pilipinas, nagluluto ang mgaPilipino ng goto o lugaw goto na sinangkapan ng goto o kalyos ng baka. Maaari ring haluan ito ng paa ng baka. Isang pang lugaw ng Pilipino ang lugaw tokwa-baboy. Sa pinakapayak na paghahanda, nilalagyan lamang ang lugaw ng asukal (walang ibang halong sahog), at ang ganitong nilugaw ang inihahanda para sa batang may sakit. Gumagamit din sa nilugaw ng mga hibi at bao. Bago kainin ang isinilbing lugaw, kadalasan ding nilalagyan ito ng patis, toyo, bawang, paminta, at kalamansi.

Ang aroskaldo o aruskaldo (Kastila: arroz caldo) ay uri ng nilugawang bigas na may sabaw ng manok at luya. Makapal ang sabaw nito na maaari ring sangkapan ng mga bituka o laman-loob ng baka. CB LUGAW STATION ay nilikha at ang kumpanya ay naniniwala na isang araw ito ay makakapagbigay ng magandang pananaw at lalo pang pagkilala sa Industriya ng pagkain.


For more info. please email us at info@c8bestfoodcart.com or visit our website c8bestfoodcart.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento